"At The Age of 17, I Got Pregnant." This Young Lady Learned The Lesson In Life The Hard Way. Her Story Is Heart Breaking.


"At The Age of 17, I Got Pregnant." This Young Lady Learned The Lesson In Life The Hard Way. Her Story Is Heart Breaking.

Netizen named Ayla Marie posted in her Facebook account her story at the very young age of 17, she got pregnant. How once a class valedictorian, an achiever became what others said about her "malandi" "maaga nagbuntis" She learned the lesson in life the hard way. She left home and started a new life with her boyfriend and got pregnant. Then realized how hard it is to start a family if you do not have work, money to sustain your needs and to her unborn child. Eventually life turned an easy way for them were both parents accepted their situations.

But trials doesn't stop there. When she's three months pregnant, as we all know first three months of pregnancy is very critical for a soon to be a mother. This is the time you should be extra careful with what you're doing, don't stress too much because the unborn child is starting to develop inside your tummy. The rate of miscarrage at this point is high. 

Since your baby's most critical development has taken place, your chance of miscarriage drops considerably after three months into the pregnancy.


Read her story for all the teens:

At the age of 17... (Please take time to read this)

Class valedictorian, always on honor list, panlaban sa writing, panlaban sa quiz bee, oration, script writer, director, journalist, english speaker, emcee, school's dj, dancer, lakambini etc. 

Madaming achievements bilang isang anak at estudyante pero tinatawag na malandi, pakarat at pak*ntot ng madaming tao. Wala na kong pake, we have different lives, we have different struggles and problems to deal with. We dont know each others story not until we go on their shoes. Madami akong kasalanan sa magulang ko, hanggang sa panahon na naglayas ako. Ewan, lutang na ang mundo ko non, pakiramdam ko wala ng umiintindi sakin kung bakit ako nag ka ganon, kung bakit naghahanap ako ng pagkalinga at pagtanggap sa ibang tao. Gusto kong mapagod, madapa at bumangon ulit ng walang tumatawa, nagagalit at nagrereklamo. Nagulo ang buhay ko kaya ako lumayo. Tumigil ako sa pag aaral at tumakbo.

At the age of 17, I got pregnant. Kahit kelan hindi ko itinangging buntis ako, na magkakaanak na ako. Iniisip ko nalang na kung magulat yung ibang tao sa kahihinatnan ko tatawa na lang ako kasi sila naman ang nagsasabi na malandi ako. Don ko naisip na mahirap pala, walang pera, walang trabaho, mahirap maglihi ng walang pambili, mahirap kumain ng walang makakain. Mahirap wag mag isip kahit gusto mo, mahirap wag umiyak kahit kusa ng pumapatak ang luha mo. Mahirap tiisin ang sakit at emosyon mo dahil alam mong masasaktan din ang anak mo. Ang dinadala mo. Ang anghel mo. Mahirap dahil wala man lang gatas para magkaron ng sustansya si baby, mahirap dahil madaming toxic na tao sa paligid at hindi mo mapigilan ang sariling magalit, ma stress, sumigaw at sumama ang loob.

At the age of 18 mag 3months na si baby. Tanggap na sya ng buong family, family ng boyfriend ko at family ko. Tanggap na din kami ng buong angkan ng both sides ng pamilya ng isat isa. Kahit papano nakakapag prutas na, may vitamins na, nakakapag pacheck up na at nabawasan na ang problema. Sa huli sa pamilya konpadin ako tumakbo, wala akong narinig na kahit na ano mula sa kanila, natanggap din nila ang asawa ko.

Pero gumuho ang mundo ko...

Tumigil ng 1, 2, 3 oras. Natulala, nawala sa sarili, lumutang ulit. Wala na... wala na ang baby ko. 

October 23 ng gabi may konting patak ng dugo na kong nakita, binalewala ko lang dahil sobrang tagtag na ko sa byahe from batangas to naic cavite to las piñas city. Pagdating ng umaga sumakit na ng sobra ang puson ko. Hanggang sa napansin kong madaming dugo na pala ang nawala sakin. Nagpatulong ako sa mister ko magpunta sa center kaso hinimatay na ako.Pagdating sa Las Piñas General Hospital mahabang pila pa ang hinintay namin, ininterview pa ko ng doctor at sinabing dapat daw kasama ko ang magulang ko dahil hindi daw sagot ng asawa ko ang buhay ko, naintindihan ko sya don, pero nagulat ako ng itaas nya ang eyeballs nya at sabihin nyang hindi ko daw inaalagaan ang anak ko sa tyan ko, hindi na lang ako nagsalita dahil nanghihina na ko kahit na gusto ko syang sigawan at kwestyunin na sino sya para sabihin yon. Nag pa IE ako, walang konsiderasyong sinabi ng doctor "Wala na. Nakunan ka na" sabay taas ng mata at iwan sakin sa IE room. Naiwan akong tulala. Lutang at umiiyak. Nakita ko ang asawa ko, iling lang ang naisagot ko hanggang tuluyan nading pumatak ang luha nya. Sorry sya ng sorry sakin. Pero nakatulala lang ako. 

Wala na ang baby namin... Bakit? Anong mali kong nagawa? San ako nagkulang? Bakit ganito? Gumuho na naman ang mundo ko. Ang nag iisang dahilan ko para mabuhay at sumaya, nawala pa. Bakit? Bakit ganito? Hindi ko kaya... 2am dumating ang pamilya ko para dalhin ako sa batangas at don ipa check, 3am nakadating kami sa batangas. 8am nakapagpa ultrasound ako, masakit sa bulsa, masakit physically pero mas masakit nung sabihin ng doctor na wala na syang nakikitang baby pa, sabi ni doc may tendency daw na natunaw na sya. Pero pano? Nasan ang anak ko? San sya napunta? San ko sya nadala? Bakit ganon? Isang daang balde ng luha na ang naubos ko. Napagod na ko kakaiyak. Napagod na ang katawan ko sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko manhid na ang buo kong pagkatao. Sabi ni doc kaylangan daw akong iraspa para masiguro ang safety ko pero ayoko na. Sabi ko sa sarili ko "wag na lang" tutal tapos na din naman lahat ng to. Pano pa ko magsisimula ulit? San ako magsisimula? Pano na ako ng wala ang anak ko? Pumasok sa isip ko ang pag gamit ng kutsilyo at ng baril. 

Dahil masakit, masakit makita ng mga baby sa ward, gusto ko din, kumarga, humele at magpatahan ng baby. Bakit? Bakit hindi ko nagawa? Bakit hindi ka binigay sakin? Gusto ko ng magpahinga ng tuluyan... Masakit na masakit na... Pero hindi pala... Nandyan pa sila, pagkatapos ng raspa operation dumating lahat ng pamilya ko, manhid ang katawan ko pero naririnig ko sila. Nandyan sila para sakin, hinihintay na gumaling ako. Magsimula ulit ako ng bagong buhay at bagong pag asa. Niyakap ko ang katotohanan na wala na sya. Na baka nga may mas magandang plano si Lord para samin, baka hindi talaga sya para samin, baka hindi ko pa talaga kaya ang responsibilidad. Naiiyak padin ako hanggang ngayon pero unti unti ko ng natatanggap... Salamat sa pamilya ko, pamilya ng asawa ko at kay Reiner na hindi ako iniwan at nilabanan ang tulog mabantayan at maalagaan lang ako.

Recca Volter/Reign Vaulter. Hindi na namin nalaman kung little girl o baby boy ka ba. Patawarin mo si Mommy Bash. Patawarin mo kaming dalawa ng Daddy Nener mo anak. Sana masaya ka dyan, alam kong madami kang kalaro dyan. Sa susunod ikaw at ikaw padin ang gugustuhin naming makasama. Mahal na mahal ka namin. Rest in peace baby. 😇

Kaya sa lahat ng teenage mom, dont be afraid to face your responsibilities. Masakit mahusgahan, masakit maglabor at masakit manganak. Pero mas masakit mawalan ng anghel. Isa yun sa pinakamasakit na pwedeng maranasan ng isang ina. Madaming tao ang gustong mag kaanak kaya wag na wag nyong iisipin ang magpalaglag ng sanggol. Ingatan nyo ang mga baby nyo. Dahil hindi tayo salot sa lipunan, isa lang tayo sa nagpapatunay na anumang mangyari at anumang edad kakayanin nating harapin ang responsibilidad natin.
Lord God, maraming salamat po. Alagaan mo po ang anghel ko. Alam ko pong dalawa na kayong gumagabay samin.😊

Ps: Thankyou pala kay Doctora ng Las Piñas Doctors Hospital na pinilit na i check ang kalagayan ko kahit na walang bayad. I will thankyou for the rest of my life. Kahit na private hospital kayo ginawa nyo padin ang best nyo to secure my safety without anything in exchange. Salamat po😊




"At The Age of 17, I Got Pregnant." This Young Lady Learned The Lesson In Life The Hard Way. Her Story Is Heart Breaking.  "At The Age of 17, I Got Pregnant." This Young Lady Learned The Lesson In Life The Hard Way. Her Story Is Heart Breaking. Reviewed by Tunying on October 29, 2017 Rating: 5

No comments