Dingdong Dantes Broke His Silence To Defend His Wife, Marian Rivera From 'Malicious' Writeup.


Dingdong Dantes Broke His Silence To Defend His Wife, Marian Rivera From 'Malicious' Writeup.

Dingdong Dantes broke his silence with this recent allegation regarding his wife Marian Rivera work ethics. In his personal Facebook page Dingdong writes an open letter for Mr. Ronnie Carrasco:

Dear Kuya Ronnie Carrasco,
Nakarating po sa akin ang isang article na isinulat mo tungkol sa pangrereklamo di umano sa asawa ko ng kaniyang mga ka-trabaho. There are more than a hundred people in a tv show production— almost all are contractual talents, some suppliers, and a very few regular employees of the network. Nagsalita na ang ilan sa co-actors niya disputing your malicious allegations. I say malicious because your statements have not been proven by any reliable source. At kung mayroon mang ganitong kaganapan sa set ng kanilang show, hindi ba’t nararapat na manggaling ito mula sa top Executive-on-location?
Ako mismo ay humingi ng confirmation sa Executive Producer nila na si Nieva Sabit. Ayon sa kaniya, “I've worked with Marian Rivera since the phenomenal Marimar that catapulted her to fame. With the many years we've shared in this industry, I can confidently attest that she has remained professional, passionate, and always willing to share her creative inputs to her shows. She has always been gracious and well loved in the set. With Super Ma'am, I've witnessed how she would willingly perform even the most dangerous stunts and execute each one to the best that she can. And despite the demands of being a mother, she is always willing to adjust to unavoidable production constraints.”
Kung mayroong tao na maaaring sumagot tungkol sa kahit anong nangyayari sa set -- mula sa cellphone number ng Direktor, hanggang sa kahuli-hulihang pako at tissue na ginagamit sa paglikha ng isang tv show, ito ay ang EP. Now, between this and your "source”, which you chose to hide, sino ang dapat paniwalaan?
Kayo po ay bahagi ng isang respetadong pahayagan kung saan ang mga ibinabalita ay dapat pawang katotohanan at hindi gawa-gawa lamang. Sa ginawa po ninyong ito, tila wala kayong pinagkaiba sa mga nagkakalat ng mga maling balitang talaga namang nakakasira ng lipunan.
Pero wag po kayong magalala, Kuya Ronnie, pinapatawad ko na ang pagkakamaling ito na sa aking pananaw ay resulta lamang, maaari, ng kapabayaan.
Subalit ang problema ko po ay ito -- nabasa ko rin, mula sa ilang mga artikulo niyo nitong mga nakaraang buwan ang lantarang pangiinsulto sa aking asawa.
Kami po’y mga aktor at normal lamang na mabatikos. Tatanggapin po namin iyon. Ang hindi katanggap-tanggap ay kapag ang batikos o commentary ay hindi objective at constructive, kundi personal at below the belt na umaabot pa sa “name calling”.
Sa iyong tono, mukhang matindi ang pait sa puso mo. Hindi ko aalisin sa iyo yan dahil karapatan mo yan. Pero hindi ko hahayaang mabastos ang asawa ko, gamit ang iyong pananalita.
Sayang, dahil sa ganitong kalidad ng pagpapahayag ay ibinababa mo ang standard ng entertainment writing. Hindi kasi ganyan ang pagkakakilala ko sa mga respetadong manunulat na marami sa kanila ay kaibigan ko at tinitingala ko.
Lahat naman po tayo ay nagkakamali. Kami man ay may mga pagkakamali rin. Kaya hindi ko po kayo huhusgahan, ngunit, walang sinuman, lalo na sa isang katulad mong may “accountability" sa publiko, ang pwedeng umabuso sa kahit kanino. Hinding hindi ko papayagang may umabuso at bumastos sa pamilya ko— lalo na sa asawa't anak ko.
Malamang marami rin ang mga kabataang sumusubaybay sa iyo. Ito ba ang klase ng pamamahayag na itinuturo dapat sa kanila?
Media, aside from providing entertainment, should more importantly be a source of reliable information which can be educational and inspirational.
If this is the kind of entertainment you are into, then we do not want to be a part of it. I believe that our audience, our listeners and our readers deserve more, especially the young ones.
"Heart over Hate”, ika nga sa GMA— kung saan ka dati kabilang.

Respectfully,

Dong


Recently Marian Rivera was in the limelight in an issue regarding her being unprofessional in the set of her TV show  'Super Ma'am' According to Ronnie Carrasco, a writer of former TV talkshow Startalk.

Misis ni Dingdong inireklamo ng ilang mga trabahador sa GMA 7 

MAPAKLA sa panlasa ang nasagap naming tsika tungkol sa work attitude ni Mrs. Dantes na ang umeereng fantaserye sa GMA ay bundat na bundat na sa tone-toneladang alikabok na ipinakakain sa kanila ng katapat na programa ni Coco Martin. 
Sinong reliable source pa ba ang pagmumulan ng kuwentong ito kundi sa mga mismong taga-istasyon na nakatrabaho namin noon? 
“Kuya Ron, huwag mo na lang kami i-quote pero kung ano ang work ethic ng ‘favorite actress’ mo noong nasa GMA ka pa, eh, siya pa ring work ethic niya ngayon!” bungad ng aming tipster. 
“Teka, akala ba namin ay nagbago na siya?” pagkontra namin. 
‘‘Yun din ang inakala namin. ‘Di ba, noon meron pa siyang self-titled show, ang madalas ireklamo sa kanya, eh, ‘yung pagpa-pack up niya ng taping kapag wala siya sa mood? 
“Kuya Ron, nothing has changed. Kapag bad trip din siya sa kung anumang dahilan, itsurang taping day na ng kanyang serye, eh, bigla-bigla niyang ipapa-pack up ‘yon! Alam ba niya na ginagastusan nang malaki ang bawat taping?” 
Kapag sinasabing bad trip o wala sa mood magtrabaho ang isang tao, we often refer to that condition as “bad hair day.” Kunsabagay, masagwa rin naman kasi ang kulut-kulutang buhok niya when she does not transform yet to a superheroine. source


After this article of Mr. Ronnie Carrasco, some of Marian Rivera's co-star stated there reactions and denied the said allegation to Marian Rivera, one of this is Shyr Valdez. In her personal Instagram account Shy stated that 
"I came across this page and nakakalungkot ang sinabi nang source na ito sa isang writer. Sa totoo lang, maganda po ang samahan nang lahat nang artista at production nang #SuperMaam ❤️ ako bilang isa sa cast ay mag papatunay na ang #PrimetimeQueen ay napaka bait sa lahat. Walang arte sa kahit na anong aspeto nang show. Kahit po kumakain na si Yanyan, pero pag tinawag, mag bibihis agad at pupunta na sa set. Kahit papalit palit sya between Super Maam at Minerva, wala sya reklamo. Kahit magtanong kayo sa iba pang cast at production namin, HAPPY SET po ang Super Maam. Ako mismo, sa pangalawang pagkakataon na nakasama ko si Yanyan, #Carmela at itong #Supermaam, mas lalo ko minahal si @marianrivera dahil napaka totoong tao. Walang katotohanan ang bintang na ito kay Marian Rivera at kaya namin patotohanan yan. Bakit ba kase kailangan manira nang ibang tao? Whoever the source is, sana masaya ka sa ginagawa mo. Haaaaaay.... #TheCastOfSuperMaamLovesMarianRivera"


Another Marian Rivera's co-star Andrew Gan also said 


“Isang Malaking KASINUNGALINGAN. Honestly, before akala ko ganyan si Ate Yan. (Based sa naririnig ko). Pero ng makasama at makatrabaho ko na siya.  
“Confirmed na hindi totoo ang sinasabi nila. Ang totoo niyan, masaya ang lahat kapag nandiyan siya. Sobrang down to earth, kalog at TOTOONG TAO." 
“MALIIT man Or MALAKING artista same ang treatment ni ate Yan. Proven yan, bilang AKO, na nagsisimula pa lang sa industry na ito."  
“Naramdaman ko un pagiging totoo at pag mamahal ni ate Yan sa amin. Alam namin ang totoo. “At bilang kapatid kita sa TripleA, hinding hindi ako magsasawa pag tanggol ka sa mga naninira at nang aapi sayo. Si God na bahala. Mahal ka namin ate,” Andrew added

Dingdong Dantes Broke His Silence To Defend His Wife, Marian Rivera From 'Malicious' Writeup. Dingdong Dantes Broke His Silence To Defend His Wife, Marian Rivera From 'Malicious' Writeup. Reviewed by Tunying on October 27, 2017 Rating: 5

No comments