Tips On How To Achieve Fit And Sexy Body With Scientific Explanation.


Tips On How To Achieve Fit And Sexy Body With Scientific Explanation.

Having a fit and sexy body is what some people wish to have. They do anything and try every possible way to achieve it. While some find success through their efforts, some are just happy to live by the motto of "Food is life".

We are going to share some tips on how to lose your weight, somehow. Jetenshin Han took social media as medium to share his tips on how to lose weight. According to him, these tips comes with scientific explanation.

Read his tips below:


PAANO MAGPAPAYAT?

(Tips with scientific explanation)

1.DRINK WATER TO LOSE WEIGHT 


Uminom ka ng tubig palagi, bago kumain, pag gising mo sa umaga bakit ? Dahil nirereduce nito ang food intake mo /calorie intake ng 13 %. Kapag uminom ka ng tubig, unti lang ang makakain mo dahil nabubusog tayo agad. Base sa isang pag-aaral ang mga taong umiinom ng tubig bago kumain ay nabawasan ng 44% ng timbang kaysa sa mga taong hindi umiinom ng tubig before meal. Ang tubig ay free sa calories ( Maraming benefits ang pag-inom ng tubig.)

2. GET ENOUGH SLEEP


Base sa isang pag-aaral ang mga taong mahilig magpuyat o kulang sa tulog ay mataas ang risk na maging obese (89 % increased risk ng obesity sa bata at 55% sa matanda). Icoconnect ko ditto ang mga call center agent, marami sa kanila ang medyo mataba dahil sa napupuyat at pagkain sa gabi (mabagal ang metabolism sa gabi) Lifestyle na nila kumbaga lalo na mga graveyard shift. Kaya matulog ka lagi ng sapat sa oras.

3. TAKE A PROBIOTIC


Kumain ka ng mga probiotic products, katulad ng yogurt dahil marami itong benefits sa ating katawan(Napost ko na dati ang isang benefit nito sa pagpapaganda ng skin). Marami itong benefits katulad pag improve ng digestive health, pagmmaintain ng immune function at sa weight maintenance.

-Iniinhibit nito ang absorption ng dietary fat na nag reresulta ng increase amount ng fat na naeexcrete sa stool/feces(.tae)

-Nirerelease nito ang appetite reducing hormone na GLP-1 kung tawagin, sa mataas na level ng GLP 1 matutulungan nito ang ating katawan na mag burn ng calories at fats.

-Iniincrease din ng probiotic food ang ating ANGPTL4 isang protein sa ating katawan. Sa mataas na levels na ANGPTL4 nag llead ito sa decreased fat storage.

(sobrang daming benefits ng probiotic food/drinks sa susunod ito nalang ppost ko ulit tungkol sa probiotics)

4. LOWER INTAKE OF CARBS /SUGARS. /LOW FAT DIET


Base sa isang pag-aaral ang pagkain ng mga low-carb foods ay nakakareduce ng appetite, nakakatulong ito sa pagbabawas ng timbang. Marami ring benefits ang pagkain ng low carbs katulad ng pinapababa nila an gating blood sugar, blood pressure at tryglycerids. Pinapatas nila ang ating HDL(Good cholesterol) at iniimprove ang patterm mg LDL(bad cholesterol.)

5. CHEW GUM AFTER A MEAL


Bakit? Dahil pinapababa nito ang desire natin sa mga pagkaing matatamis at maalat at dinidecrease ang ating hunger pag tapos natin kumain.( Yung sugar free gums) PERO WAG SOBRA, dahil ang too much na pag chew ng gum ay mag llead sa sever weight loss at diarrhea. Dahil yun sa sorbitol na present sa mga sugar free gum, isa syang laxative which is poorly absorbed by the small intestine. Lahat ng sobra masama, yung tama lang.

6. DON’T SKIP MEALS


Wag na wag ka mag skip ng meals, According sa NIH(National institute of health) na pag nag sskip tayo ng meal ay mas lalo tayo makakaramdam ng gutom sa next meal natin, magreresulta to sa pagkain natin ng more and more calories. 

“Kumain ka kapag gutom ka, tumigil na sa pagkain pag busog ka na” sa pamamagitan nito matutulungan tayo na maconsume ang appropriate amount ng calories na ittake natin.

Ganito rin kapag nauuhaw ka, uminom ka, pag naiihi ka umihi ka wag magpigil.

KARAGDAGANG INFO: HINDI EXERCISE ANG PINAKATHE BEST WAY PARA PUMAYAT.

-Base sa isang pag-aaral ang pag-eexercise ay hindi ang pinaka the best way para mag lose ng weight, kundi ang diet ang pagkain natin kung ano kinakain natin. Katunayan pag nag eexercise tayo, lalo tayo magugutom. Sa sobrang gutom mo pagtapos mag exercise ay pwede mo pa madoble ang kain mo. Approximately 10-30 % lang ng calorie ang nabburn kapag nag exercise tayo. Ang point nito ay wag tayo magfocus sa page exercise alone, exercise + diet ay mas the best (diet 80% at 20%). Pero mas maganda pa rin na nag-eexercise tayo lagi, wag lang natin itong ituring na pinaka the best way to lose weight kase what the matter the most is the food that we eat. Maraming benefits ang page exercise. Wag mo rin gutumin sarili mo, hindi yun the best way para magpapapayat, mapapadoble lang kain mo mas lalo ka tataba dahil sa sobrang gutom. (C) Dr. Kevin Hall.

Pero para sakin alam mo pinaka effective? Disiplina sa sarili, pagkakaroon ng healthy lifestyle, wag magpupuyat. Kumain ka pag gutom ka, mag exercise para maging healthy, kumain ng mga foods na high in protein. Uminom ng maraming tubig at umiwas sa bisyo. Iwas sa mga junk foods at soda’s.

PS: Ilang journals, books article binasa ko bago ko i post to, lahat kasi ng nahanap ko puro myths at walang katotohanan, naniniwala ako sa may mga scientific explanation talaga ito nahanap ko . 

(Nagbabago ang science, maaring ang mga pinost ko rito ay magbago sa susunod na taon o dekada, dahil tuloy lang ang mga scientist o researcher sa pag-aaral dahil sa curiosity.)

Tips On How To Achieve Fit And Sexy Body With Scientific Explanation. Tips On How To Achieve Fit And Sexy Body With Scientific Explanation. Reviewed by Tunying on October 31, 2017 Rating: 5

No comments