Guy Ended Up Sleeping For A Month After Making Alcohol A Past Time.



Guy Ended Up Sleeping For A Month After Making Alcohol A Past Time.

Drinking alcoholic beverages is what people do when they want to celebrate something or just their habit when they have nothing to do during their free time.

But some people, make it a habit of drinking and not stopping until they passed out. Just like this guy featured in this article. He took social media to share his experience after suffering from a severe stomach ache that he thought that was normal.

Read and be cautious when drinking too much.

WAL-WAL NO MORE ANYMORE 🍺🍻
Read the caption hehehe wag tamad .. ang hirap magkwento 🀣🀣 LABYU


January 13 2016

Isa akong sunog baga at sunog atay hahaha ginawa ko na atang libangan kapag bored ako ang pag inum ng alak ... halos araw araw akong umiinom at ako ung taong ndi tumitigil hanggat hindi ako na ba blockout hahahaha so eto na nga thursday night kasi kinabukasan friday so hapon pa ang pasok kaya ayun nag wal wal kami ng bongga ! Hindi na bago sakin ang pananakit ang tyan dahil ilang beses ng nanakit ng tyan ko at nawawala din naman pag iniinuman ko ng gamot !


January 14 2017

Eto na nga pagkagising ko ng umaga hindi na nawala ang sakit ng tyan ko ! Kala ko normal lang kasi nawawala wala din naman ung pananakit! Kaya sabi ko mayang gabi nalang ako magpapacheck up para mapa reseta ng baong gamot.


So after na nga ng work ko dumeretcho na agad ako sa al noor hospital abu dhabi UAE. sobrang sakit pa din ng tyan . Halos ndi ako makatayo ng deretcho kaya sumakay ako ng taxi ng nakayoko. Nag alala din ung driver kasi ndi na ko mapakali nung oras na yun...


Edi nasa emergency na ko inuna na ko sa pila kahit sobrang daming nakapila dahil nga namimipit na ko sa sobrang sakit ng tyan ko ! Pinahiga na nila ko sa bed tas kinuhanan ng dugo at kung anu anu ! Sabi nila kelangan ko daw i ct scan para ma check ung abdominal ko !


So eto na nga ang selfie ko sa loob ng clinic ang balak ko pa dito remebrance lang sana na naka medical dress ako ! Nawala ung sakit ng tyan ko nyan kasi tinurukan na nila ako ng pain killer m.


Habang pinapasok ako sa loob nyan natatakot ako kasi baka hatiin katawan ko haha. Pero totoo lang talagang natatakot ako kasi baka kung anu ng meron sa loob ng tyan ko sobrang sakit kasi talaga ndi nawawala sa gamot.


January 15 2017 4:00 am in the morning

Ayan na yung time na nilipat nako sa 4th floor ng icu nila . Grabe sobrang sakit na ng tyan ko kahit binibigyan nila ako ng pain killer pero after 30minutes bumabalik ulit ung pananakit ng tyan ko! Umiiyak na ko kay kuya Lean nyan kasi ndi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko!


Eto na ung kinabukasan! Pilit nila akong pinapatulog nyan dahil kapag ginagalaw ako bumabagsak ang oxygen ko at pwede akong mamatay ... nilalagyan pa nga nila ako ng tape sa mata kasi daw bumubukas ung mata ko kasi ganun talaga ako matulog parang nakadilat .


Hindi ko na alam mga nangyayari sa mga panahon na yan ! Masyado ko na atang napag aalala ung mga kapatid ko lalo na ung nanay ko! Ilang araw na daw akong tulog nyan!











Sa sobrang dami ng komplikasyon ko nagsabi na daw ang doktor na 50/50 ako dahil nga sa sakit ko at 50/50 dahil daw bata pa ko at lumalaban ako ! Hindi kasi ako yung taong mahina ang loob. Pero ngayong tinitignan ko tong picture ko na to ndi ko talaga mapigilang maluha at magalit sa sarili ko ! Kung bakit ako inabot sa ganitong sitwasyon ... ang dami dami ko ding napanaginipan ng mga araw na to .. nakapunta ako ng korea at thailand ng walang visa hahaha dito ko din nakita ang ROLETA NG KAMATAYAN .... yung lahat ng pangalan namin na nasa ospital andun sa roleta tas habang pabagal ng pabagal yung ikot ng roleta nakikita ko pangalan ko sabi ko sa sarili ko nun “NAKO PO LORD WAG AKO” . Buti nilakasan ko loob ko talaga. naaawa ako sa sarili ko at pati sa mga taong pinag alala ko ng malala !! Sa nanay ko na andun sa tabi ko. Sa mga kapatid kong pogi kuya edson (Sheka) , kuya Lean at sa mga hipag kong magaganda ate Jennifer at ate sheka...



FEBRUARY 14 2017

After a month of sleeping and fighting YEHEY GISING NAKO πŸ™πŸΌπŸ˜˜πŸ˜Š maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sakin



Eto ung oras na sabi ko sa mama ko “papasok ako sa trabaho tanggaling nyu ung nakatali sa kamay ko” hahahaha akala ko ilang araw lang ako natulog yun pala isang buwan akong tulog sa ospital !



Pagkatapos kong matulog ng isang buwan sa ICU umabot pa ko ng dalawang buwan naman sa medical ward. Para mas lalong magpagaling ng mabuting mabuti .



Sa sobrang tagal kong nakahiga kaya ayan nagaaral ulit akong maglakad hehehe masyado daw humina ung mga muscles at ugat ko sa paa buti nalang daw ndi dalawang paa ang naapektuhan sakin kung ndi lumpo ako ngayon heheheh kaya sa lahat ng makakakita sakin at magtatanung kung bakit ako pilay basahin nyu nalang to hahahahaha 🀣😘



Sila sila ang mga nagbigay ng lakas sakin kaya ngayon hinding hindi na ko iinum hahahahah CHEERS 🍺🍻 joke lang hahaha — with Jennifer Asistin Ocampo and Sheka Go Ocampo.



March 30 2017 

palabas nako ng hospital. Salamat sa mga pogi at maganda kong naging nurses sa ICU AT sa MEDICAL WARD ... nurse liza , nurse gus , nurse roel basta madami pa wala ko pictures nila eh pagnabasa nyu to sigurado akong makikilala nyu ko . Sa mga magagaling kong doktor c dr. Christos dimoupulos , dr.moktar at marami pa Maraming salamat hindi ko kayo makakalimutan .. sa mga taga punas ng pwet ko pag tumatae grabe bilib ako sainyo !! SALUDO AKO SAINYO !!

Eto na ung 

Eto na yung nasa bahay na kami grabe ang hirap maglakad sa hagdan pataas hahaha special thanks to mam Joyce Apostol dahil sa support at pag tingin samin at palaging pag dalaw .... godbless po ! Bahala na po c god magbalik ng kabaitan nyu samin ... 

PS. Wag masyado mag walwal dahil life is lifer hahahahah 

Pinost ko toh hindi lang sa bida bida pinost ko to para din makabigay ng inspirasyon sa mga tulad kong ALAK IS LIFE HAHAHAHA mag ingat na kayo kung ayaw nyung makita ang ROLETA NG KAMATAYAN πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌ

Dagdag ko lang to para mas intense sa huli eto yung ilang weeks nako sa icu pinapatulog at ginagamot .. wala akong kaalam alam jan akala nila gising nako pero sa itsura palang groging grogy pa ko jan hahahah parang lasing na lasing pa din pagkagising haha
Guy Ended Up Sleeping For A Month After Making Alcohol A Past Time. Guy Ended Up Sleeping For A Month After Making Alcohol A Past Time. Reviewed by Tunying on November 10, 2017 Rating: 5

No comments