Know Your Worth: Girl Shares Her Story On Her Abusive Partner.


Know Your Worth: Girl Shares Her Story On Her Abusive Partner.

Why some battered girlfriend didn't leave their partner? 

"It was bad. I was hoping he would change"

This was often the reason battered women gave when asked this question. But do they really change? Like this netizen named Nina, her boyfriend then has a 'history' of being violent yet she still stand by his side. 

Read her post as she shares her story and warns some ladies who had a same situation as hers:


Closing the book.

Last post sa nangyari, sa totoong nangyari.

Posting this para tumigil na mga kasinungalingan, fake stories/pinagandang mga kwento. And para wala na rin mabiktim na iba.

Kaya girls, kung nakikita nyo na iba magalit partner niyo or kung may nagawa na siya sa inyo na hindi maka-babae o makatao. Wag niyo ng palagpasin. Wag niyo ng bigyan ng chance. Hiwalayan niyo na agad.

GIRLS, WALANG TAMANG REASON PARA SAKTAN O PAGBUHATAN TAYO NG KAMAY NG ISANG LALAKI.

Ex ko nga pala, MARTIN ASHLEY ARAÑA CUIZON. (Ash Cuizon)

(November 19) galing kami grad party ng bestfriend ko. Mdaming alak, andon mga friends ko & mdami pang ibang tao. Medyo nakadami inom si ash. Nung pauwi na kami inumpisahan nya na kong pinagmumura. 

“P*tangina mo” “Sisirain ko mukha mo”. 

Gumawa sya ng reasons na di naman totoo. Hindi ko alam san nya nakukuha mga reasons nya. Sinabihan ko daw sya na tanga (which is di naman totoo kaya pinalitan nya ulit reason niya). Sinabihan ko daw sya na ako lagi nagbabayad. (Oo ako halos nagbabayad sa buong relationship namin sa lahat ng dates, trips or foodtrip pero never ko pinamukha or nagreklamo about don, so pinalitan niya nanaman reason nya kasi di nanaman totoo na may sinabi akong ganon). So ayun sumama pa din ako pauwi sa bahay nila kasi nagtataka ako napapano siya bakit niya ko pinagmumura wala naman ako ginagawa. Kadating namin sa kanila, mom niya nasa sala natutulog tapos nasa rooms na mga kapatid niyang BABAE DIN. Dumiretso kami kwarto, nilock niya door. 

Gulat ako bigla siya nagsasabi ng kung ano ano. PINAGSASAKAL pa niya ko. PINAGMUMURA. Tinatanong ko napapano siya, sabi niya pinahiya ko daw siya sa table don sa party. Kasi daw BINULUNGAN ko siya ng “baby slow down sa paginom parang lasing ka na daw sabi ni Xavier” pinahiya??? Eh binulong ko lang. And nasa tapat kami ng mga nagvvideoke pano maririnig? Maayos ko siyang sinabihan. And after non okay pa naman sya sabi pa “I got this babe”. 

Ewan ko anong tinitira niyang drugs or may sakit talaga siya sa utak or iba talaga tama ng alak sa kanya. Yun na yung pinindigan niyang reason. I tried to contact my friends sabi ko babalik ako kari Xavier. Pero kinuha nya phone ko & tinago. Babalibag niya sana pero sabi ko ip7 yan bayaran mo ha, so tinago niya na lang. 

pero yung IBA KONG GAMIT PINAGBABALIBAG NIYA. Yung perfume ko iinumin daw niya pero di niya mabuksan so TRINAY NIYANG SIPSIPIN YUNG PABANGO & NAG-ACT PATAY PATAYAN. Pero dahil tinitignan ko lang siya, tinigil niya pag-aact niya. So ayun PINAGMUMURA NANAMAN AKO PATI FAMILY KO PINAGSASABIHAN NIYA NG MASASAKIT kahit tinanggap naman siya ng buo & sinasama sa mga lakad namin. Napaka-walang utang na loob. Dahil di ko kinaya nung minumura nya na fam ko don palang ako nagsalita talaga. Dun din niya ko SINAMPAL. Sabi ko sa kanya bakit di niya tanong sa mga tao don kung may narinig silang pinahiya kita or pinagsabihan, ayaw nya tanong. 

Sina tita kumakatok na & nagbabawal. Magusap daw kami ng maayos. Di ko alam ano kailangan pagusapan kasi wala naman talaga problema. Gumagawa lang naman si Ash ng reasons nya para saktan ako. Pinagsusuntok niya kama tsaka pader. Galit na galit parang sinapian ng demonyo. Trinay kong tumakas sa kwarto. Tumakbo ako sa palabas ng room. Pero naabutan niya ko kaya NAIHAMPAS NIYA KO SA PADER. Tumama right side ng body ko kaya nagkasugat at pasa ako sa right collar bone ko. Napaupo ako sa sahig. Nakita ni tita. 

NAGMAMAKAAWA ako kina tita na wag na ako ipasok sa kwarto. Pero wala din sila nagawa. KINALADKAD AKO NI ASH & BINALIBAG SA KAMA. Iyak lang ako ng iyak the whole time. May mga pasa na rin ako sa braso. Maya maya MAY KUTSILYO NA PALA SIYA. Tinutok niya sakin then tinutok niya sa sarili niya, sabi nya papakamatay daw sya. Tho alam ko di nya kayang gawin yun sa sarili niya tulad ng pagiinarte nya sa pabango ko. Sumigaw ako na “tita papakamatay daw po si ash”. Dun pumasok sina tita & ate nya. Binigyan din ako tubig nung isa nyang kapatid. Pero pinalabas din sila ulit. 

NILAGYAN NIYA NG 1k WALLET KO KASI NASIRA NIYA BRACELET KO, yun nalang daw pera niya pero sakin nalang daw. Lakas ng loob pamo niyang sabihin. Tuloy tuloy parin yung psychological & physical abuse. Hanggang sa nagsusuka suka na sya dahil sa kalasingan. Trinay ko pa din siyang punasan habang umiiyak ako and alagaan kahit ganon ginawa sakin. Maya maya nakatulog na siya and dun ko palang nakuha mga gamit & phone ko. Dun palang ako nakatakas. 12:30am-5:30am niya ko tinotorture. Lumabas ako sa kanilang umiiyak, pero dahil maingay gate nila nadatnan ak ng mommy nya. Niyakap ako & nagsorry. 

Ok lang sabi ko. Kahit umiiyak pa din ako & ganon itsura ko. Naglakad ako para maghanap ng masasakyan. Buti may mabait na tricycle na kahit may pasahero sinabihan ako ng 

“ma’am trike po? babalikan ko kayo diyan sa kanto hahatid ko lang po to. saglit lang ma’am” naawa ata si manong sa itsura ko.

Nagpahatid ako sa bahay ng bestfriend kong si chae. Don wala pa din ako tigil sa pagiyak. Tntry nya ko patahanin & patulugin pero di ko talaga kaya. Sinabihan ko na din sina xavier sa nangyari. Sabi ko wag sabihin sa parents ko. Pero sinabi parin nila sa mommy ko. Kaya pnuntahan ak agad ni mama don. 

Pero di nya parin sinabi sa daddy ko. Iyak din ng iyak si mama ko habang nanginginig sa galit. “Hinabilin pa naman kita kay Ash kagabi tapos siya pa pala mananakit sayo. Kapal ng mukha niya.” 

So ayun pinacheckup ako agad. Ayaw ako tanggapin sa private hospital kasi dapat government hospital para may medico legal. Tinusukan ako anti-tetano, xray & bnigyan mga gamot. Kinagabihan don nako nilalagnat lagnat. Ayun hanggang ngayon di nawawala. Oo nga pala una niyang chat kagising niya 

“babe pano ka nkauwi?” 

“babe nabigay ko pala buong baon ko di ako makakapasok bukas.” 

Jusko kulang nga 1k nya sa lahat ng ginastos ko sa kanya & pangaabuso niya. Di ko kinaya kawalang hiyaan niya. Nung di ako nagrereply dun palang nagsorry ladies & gentlemen.

Mag-1month na din lumipas after nung ginawa niya sakin. Mag-1month na din ako nilalagnat. Yup, possible yun kahit ok ibang test results ko. Kasi bawal ako mastress. Dahil naoperahan nako sa puso last year, kaya bawal ako sa matinding emotion lalo na stress. And alam niya lahat yun. Alam niya na weak yung body ko.

Yup first issue niya to. Kasi ako pa lang naging gf niya na napakilala talaga sa family & friends nya and nakakasama lagi. Pero before nagwawala na talaga siya for stupid reasons.

Ang sakit na after kong gawin lahat, ipaexperience lahat ng trips, tanggapin siya & all. Ganon gagawin sakin. Kahit 7months lang kami. Grabe sakit, stress & trauma nakuha ko.

Hindi nako magdedemanda kasi baka daw di ko kayanin sa korte. Pero regular filing naman daw sabi nung attourney kasi abuse daw talaga. So pwede ko daw file anytime. Huling post ko na din to. Karma na lang bahala sa kanya. Papagaling muna ako.

Sana pacheck siya sa psychiatrist kasi ilang beses na din kami nagbreak ng dahil sa mga pagwawala niya and pamamahiya sakin for stupid reasons na iniisip at ginagawa niya. Nagtiis ako. Di ko alam na aabot sa pananakit.

Good luck na lang sa susunod na relationship mo and sa buhay mo, Ash. Sana makatapos kana din ng pagaaral. Sana may pumatol pa sayo.

GIRLS, KNOW YOUR WORTH.

kinuha to after mismo ng incident sa bahay ng bestfriend kong si chae. mukha tlga akong pulubi non. sorry medyo aning padin

right collar bone ko pala yan ✌🏻




Una niyang mga chat sakin kagising nya sa kalasingan nya. Hinihingi pa 1k na nilagay nya sa wallet ko para sa bracelet ko bago nagsorry. Jusko ano tong pinatulan ko? Tao ba o demonyo? Nagsorry palang siya nung di ako nagrereply. 😩








Know Your Worth: Girl Shares Her Story On Her Abusive Partner. Know Your Worth: Girl Shares Her Story On Her Abusive Partner. Reviewed by Tunying on February 06, 2018 Rating: 5

No comments