This Guy's Message To His Girlfriend Making It's Round In Social Media. The Reasons Will Leave You Speechless.


This Guy's Message To His Girlfriend Making It's Round In Social Media. The Reasons Will Leave You Speechless. 

A facebook post made by netizen named Prince is now having its round on the social media. He shared his experience from being a happy-go-lucky go into a one of a kind future dad.

He admitted that he's the type of guy that every girl doesn't want because of his lifestyle. A very outgoing and happy-go-lucky, spoiled brat, who failed each and every subjects he had. But everything has changed after her girlfriend got pregnant. He went from zero to hero. The guy that every girl is dreaming of. The guy that stand for what he think is right for their future and will do everything just to make his love ones happy.

Read his life changing story below:

"Im so blessed"

Ako yung tipong lalake na happy go lucky lage. Pa easy easy lang sa buhay kasi nakukuha ko lahat ng gusto ko kasi nga "Spoiled" ako. Oo inaamin ko, Pasaway ako, matigas ulo. Masyado ako mabarkada. Mas inuuna ko ang paglalaboy at kung ano anong bisyo kesa priorities ko. Sa panahon ngayon, Sobrang daming nabubuntis sa hindi tamang edad. Lalo na ngayon talamak ang kupal na lalake. Or mas kilala sa term na "Fuckboy" na galaw dito galaw don. Tas pag naka buntis. Ano? Takbo? Ang gusto ipalaglag? Mas lakas kayo ng loob makipag sex. Pero wala kayong bayag para panagutan yun.

SORRY, I'm sorry mahal sa lahat ng sakit ng ulo na naibigay ko sayo. Sorry kung masyado ako naging kampante. Sorry kasi sobrang gago at kupal ko. Wala ako ginawa kundi bumarkada. Maglaboy, Maginom. Pero hindi man lang kita maisip na ikaw buntis at nagpapakahirap dalin si baby. Sa bahay puro games lang ako. Wala ako inatupag kundi ang maglaro ng maglaro. Pagkatapos maglaro, Lalaboy. Sorry kung mas inuna ko pa yun kesa sa mga priorities ko. Sorry kung hindi ko pinakinggan na ayusin ko ang pagaaral ko kaya ngayon ang dami kong failed subjects. Sorry, kasi kahit buntis ka napapaiyak kita. Sorry, kasi minsan sinasabayan ko pa pag susumpong mo na parang ako pa yung buntis.

But, THANKYOU! Thankyou kasi tinanggap mo padin ako. Tinanggap mo padin ako ng buo pagkatapos ng mga nagawa kong kasalanan sayo, Tinanggap mo padin ako pagkatapos ng sakit na naibigay ko sayo. Sobrang thankful ako kasi meron akong girlfriend or soon to be wife na sobrang mapagpatawad at mapagbigay. Siguro kung ibang babae yun nagawan ko ng mga ganon kakupalan, Wala na. Baka naghahabol na ako ngayon sa hangin. Sobrang thankyou kasi nandyan kapa din sa tabi ko at hindi mo ko iniiwan, Napaka daming chances na ang binigay mo sakin. Alam kong hindi ko na deserve yun. Pero thankyou kasi nagtiwala kapa din na magbabago ako.

Sana sa lahat ng lalake dyan na kagaya ko, Magisip isip na kayo. Wag nyo na sana intayin tamaan kayo ng karma. Wag nyo na sana intayin mawala pa yung taong nagmamahal sainyo ng sobra, Wag nyo na sana intayin na masira ang lahat lahat ng binuo nyo dahil lang sa saglit na kasiyahan. Tandaan nyo/natin. Lageng nasa huli ang pagsisisi, Wag natin hayaan na masawa sila at iwan tayo ng tuluyan dahil sa mga katarantaduhan at kagaguhan naten sa buhay. Hanggat buhay tayo, Pwedeng pwede naman magbago kung gugustuhin mo talaga.

At sana sa mga lalakeng patuloy sa pagiging "FUCKBOY" nila. Tigil nyo na yan, At kung may mabuo. Sana mga tol wag nyo takbuhan mga responsibilidad nyo. Ginusto nyo yan e, Meron kayo pang pasok. Pero pag may nabuo wala na kayong mga bayag para panagutan to. Magbago na kayo hanggat may oras pa. Wag nyo na intayin sapakin kayo ng karma. Hindi naman buhay nyo nasisira.

Sobrang sarap sa feeling ng may sarile ng pamilya. Alam ko sa ngayon wala pa akong sarileng pera para buhayin ang sarile kong pamilya. Pero sila ang inspirasyon ko para lalo ako magbuti sa pagaaral at makapagtapos agad.

Sobrang sarap sa feeling ng may tatawag sayong "DADDY" wala ng mas sasarap pa.

Thankyou mahal! Shiela Ann Bitancor ❤️ Thankyou for everything. Thankyou at nandyan kapa din sa tabi ko.

Thankyou din sa parents namin na walang sawang sumusuporta samin. ❤️

And thankyou papa god! Thankyou lord!!!! ☝️🙏🏻 Binigyan nyo kami ng baby angel. Binigyan nyo ako ng dahilan para lalong ayusin ang buhay ko. ❤️

PS : Basahin nyo description bawat pictures. Share ko lang ng bahagya paano kami nagkakilala. ❤️

#ChangeIsComing

#ProudDaddy

#BabyAzi❤️














This Guy's Message To His Girlfriend Making It's Round In Social Media. The Reasons Will Leave You Speechless.  This Guy's Message To His Girlfriend Making It's Round In Social Media. The Reasons Will Leave You Speechless. Reviewed by Tunying on February 11, 2018 Rating: 5

No comments