Netizen Got Her Ear Pierced On A Mall Kiosk Then This Happened To Her Ear.


Netizen Got Her Ear Pierced On A Mall Kiosk Then This Happened To Her Ear.

Multiple earrings are having a serious style moment and it’s no wonder – they all look awesome, effortless and there’s a whole lot of different types and combinations to choose from.

When you get your ears pierced — whether at a tattoo parlor or a kiosk in the mall — you should receive instructions on how to prevent an infection. The vendor should also assure you that they only use sterile tools and hygienic practices.

But if protocol isn’t followed, or if you don’t carefully follow the post-piercing care instructions, infection can occur. You can usually treat a minor piercing infection of the earlobe fairly easily and without complications.

Read this netizen's post on how her ear pierce got infected and what happened to her ear.

(WAG MO NG IOPEN YUNG IBANG PICTURES KUNG MASELAN KA AT KUNG MANDIDIRI KA LANG.)
I just want to share my experience to you guys about my ear piercing. 😢

Jan. 14, 2018
Nagpabutas ako sa may right upper part ng tenga ko using yung tinatawag nilang pambaril. (Sa mall po ako nagpabutas. 2nd floor Walter mart Gapan, N.E.) Syempre masakit. After 1 week, wala naman akong naramdamang sakit. Akala ko nga okay na eh. Tapos eto na, nabugbog sya. (Kung magpapabutas kayo, lumayo kayo sa magagaslaw nyong kaibigan/kaklase.) Tapos doon nag start yung pananakit nya. Hanggang sa namaga na ng namaga.

Siguro mga 5 days ko ng iniinda yung sakit pero di ko pa din sinasabi sa parents ko, kasi baka pagalitan ako. Syempre kasalanan ko to eh. Tinanggal nung dalawa kong kaibigan yung hikaw. Sobrang sakit 😭 Baka daw kasi bumaon. (Pag bumaon pwede syang maopera.) Salamat sakanila. 😊

Jan. 29, 2018 (Evening)
Pagkatapos naming kumain, kinausap ako ng Nanay ko. Sabi nya patingin daw ako ng tenga ko. So ayon pinakita ko, nagulat sya kasi may nana na tapos magang maga. Kaya ayon napilitan na din akong sabihin. Sana daw sinabi ko agad. (Kung ganito man mangyari sainyo sabihin nyo agad para maagapan.)

Jan. 30, 2018
Dinala agad nila ako sa hospital para macheck up tenga ko. Hays. 😢 Ang sakit nya sobraaaaaaaa. 😭 Sinabihan ako ng Doctor na bawal pumasok. Nainfection daw tenga ko, dahil nabutuhan at nabugbog. 😢 Bawal maligo. Bawal malansa. Bawal maalikabukan.

Feb. 2, 2018
Bumalik akong hospital dahil kailangang tanggalin yung benda sa tenga ko. Jusko lumobo syaaaa as in lobong lobo. So eto na, natatakot nako kasi nanghihingi na ng karayom yung doctor. 😢 Maya maya tinatawag nya tatay ko, sabi samahan daw ako. Sinabi nya sakin na tutusukin nya daw. Walang pampamanhid. Tinusok tusok ng karayom. Hindi pa don natapos, maya maya hiniwaan naman ng dalawa siguro. Syado iyak ko. Nagwawala nako sa hospital. Wala nakong pake kahit nakakahiya. MASAKIT E SOBRAAAAAA. 😭😭😭😭 Kahit yung Tatay ko hindi ako matignan. Ang daming dugo. 😭😭

Gabi gabi akong di pinapatulog ng tenga ko sa sobrang sakit until now. 😭😭😭 Sobrang kirot. Buong katawan apektado. Laging wala sa mood. Hays 😢

Sa mga may balak magpapiercing, siguraduhin nyong safe yung pagpapabutasan nyo. Ingatan nyong mabugbog tenga nyo. Mahirap na baka ganito mangyari sainyo. 😢 Saka kung namamaga tenga nyo, wag nyo alcoholin kasi mas magrereact yung sugat. Better consult to Doctor.

Sa mga tumulong sakin, especially sa parents ko na todo alaga sakin, sobrang thank you ng marami sainyo. 😊 Sa naglilinis ng sugat ko, sa mga nag aalala sakin, sa tumutulong sakin sa paliligo ko, sa mga nag aalaga sakin sa bahay at sa school. Thank you so much! ❤ Mahal ko kayong lahat. 💕 Sorry kung naging pala utos ako. 😶

HINDI PA MAGALING TENGA KO. 😢 
Hays. Lord, heal me na po. 😇 Di na po ako uulit.

Ps: Wag matigas ulo. Nasa huli ang pagsisisi. 😢 HINDI NYO IKAGAGANDA YUNG MADAMING BUTAS SA TENGA, IKAKASAKIT AT IKAKAHIRAP NYO LANG.


Jan. 14, 2018
Date kung kelan ako nagpabutas sa taas ng tenga.


Eto na yung nung nabugbog sya, start na ng pananakit.


Inalcohol ko, which is hindi pala tama.


Eto na yung tinanggal yung hikaw ko. Thank u friends! ❤


Eto na agad sya kinabukasan.


Eto yung gabing nakita nila Nanay.


Nilinis ni Tatay saka nilagyan ng gamot. (Gamot yung white.)


Jan. 30, 2018 Check up


Eto sya nung dinala ko sa Doctor.


Di pa din nawawala yung pamumula nya. Nakabenda tenga ko paikot sa ulo.



2nd day na nakabenda tenga ko, ayan itsura nung inalis yung benda.


Feb. 1, 2018 kinabukasan babalik akong Hospital. Eto na yung hiniwa saka kinarayom sya ng doctor nung pagbalik ko. Kasi lumobo sya, lobong lobo. Di ko na napicturan kasi lambot na lambot ako. Walang pampamanhid eh. 😭😭😭


Feb. 4, 2018
Ayan yung itsura nung hiniwa. Iyak na naman ako nyan habang nililinis. SOBRAAAAAAAANG SAKIIIIIIIIT. 😭😭😭


Feb. 5, 2018 😭😭😭😭😭


Feb. 6, 2018 😭😭😭😭😭
Sana umimpis na sya. 😭 Sobrang hirap na hirap nako. 😭😭😭


Netizen Got Her Ear Pierced On A Mall Kiosk Then This Happened To Her Ear. Netizen Got Her Ear Pierced On A Mall Kiosk Then This Happened To Her Ear. Reviewed by Tunying on February 06, 2018 Rating: 5

No comments